top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Baril pinaglaruan, pumutok | KATOMA, SAPUL SA DIBDIB

Maeng Santos
Jun 14, 2019
1 min read

DEDO ang 26-anyos na helper nang aksidente umanong mabaril ng kanyang kainuman makaraang makalabit ng suspek ang pinaglalaruang baril sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

Ipinag-utos na ni Caloocan Police Chief P/Col. Noel Flores sa kanyang mga tauhan ang pagtugis upang maaresto ang suspek na kinilalang si Edison Calima, ng Bgy. 176, Bagong Silang. Sa ulat, unang tumatagay sina Calima at Aries Bulaon, 26, kasama ang iba pang kalugar sa Bgy. 176 nang bumunot ng baril ang suspek saka pinaglaruan sa harap ng mga kainuman.

Pabirong itinutok umano ng suspek sa biktima ang baril at dala ng kalasingan ay nakalabit ang gatilyo kaya pumutok at nasapul ng bala sa dibdib si Bulaon.

Mabilis na itinakbo si Bulaon ng iba pang kainuman sa Tala Hospital subalit, idineklarang dead-on-arrival ni Dr. Jafet Ian Reotutar, alas-10:07 ng gabi habang tumakas naman ang suspek matapos ang insidente.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page