ABS-CBN 'pag hindi na-renew ang prangkisa, maraming taga-showbiz, nganga!
- BULGAR

- Jun 14, 2019
- 2 min read
P-DUTERTE, PDP-LABAN AT HUGPONG NG PAGBABAGO (HNP), DEDMA SA BANGKANG-PANGISDA NG MGA PINOY NA BINANGGA NG CHINESE FISHING VESSEL—Nagalit ang sambayanang Pinoy sa pambabangga at pambabalewala ng Chinese militia vessel sa Philippine fishing boat sa West Philippine Sea (WPS) dahil kung hindi sa maagap na pag-rescue ng Vietnamese vessels, malamang, namatay sa pagkalunod ang 22 mangingisdang Pinoy.
Ang nakapagtataka, hindi man lang nagpapakita ng galit sa isyung ito si P-Duterte, kanyang pamilya, kapartido nila sa PDP-Laban, HNP at ang DDS, mga buwisit!
◘◘◘
MATAPANG ANG MGA SUNDALONG PINOY, HINDI DUWAG! — Ang nais ni AFP-Western Command (WesCom) Vice-Admiral Rene Medina ay palayasin na ang mga Chinese militia vessel sa West Philippine Sea (WPS).
Sa totoo lang, matatapang dahil may dugong mandirigma ang mga sundalong Pinoy at nakahanda silang ibuwis ang kanilang buhay laban sa mga mapanakop na dayuhan at tanging si P-Duterte lang ipinamumukha sa mundo na duwag sa giyera ang AFP, boom!
◘◘◘
TAGILID ANG ABS-CBN KASI NAKA-FREEZE ANG KANILANG PRANGKISA SA KONGRESO — Tiningga ng Kongreso ang hirit na prangkisa ng ABS-CBN na mapapaso na sa March 2020.
Naku, kapag sinunod ng Kongreso ang kagustuhan ni P-Duterte na ibasura ang franchise ng ABS-CBN, tiyak maraming taga-showbiz ang magiging jobless, hu-hu-hu!
◘◘◘
‘TARA SYSTEM’, LUMALA SA BUREAU OF CUSTOMS—May mga “tara collector” daw ang gumagamit sa tanggapan nina Bureau of Customs Import and Assessment Service (IAS) Director Yasser Abbas at Chief-of-Staff Teodoro Jumamil, kasabwat ang ilang taga-Port of Manila (POM) at Manila International Container Port (MICP) para makahingi ng “tongpats” sa mga smuggler sa Adwana.
Ang “tara” raw na hinihingi per-container van para sa mga general merchandise ay P3K at sa mga importer naman ng mga sasakyan ay P50K hanggang P100K per unit.
Kung totoo ito, aba, tila mas lumala ang “tara system” sa Adwana kahit pa ang dating AFP chief sa katauhan ni Commissioner Rey Leonardo “Jagger” Guerrero, ang ginawang head ni P-Duterte sa Bureau of Customs, period!





Comments