6 na buwang bakasyon-grande abroad… LOVI, BALIK-'PINAS NA PERO WALA PA RING SHOW SA SIYETE
- BULGAR

- Jun 14, 2019
- 1 min read

BALIK-‘Pinas na ang Kapuso actress na si Lovi Poe matapos ang anim na buwang pagbabakasyon sa USA.
Sa Amerika na nag-New Year si Lovi at doon na rin nag-celebrate ng kanyang 30th birthday last February.
Nilubus-lubos na ng morenang aktres ang pagbabakasyon-grande niya at nag-enjoy sa kanyang pamamasyal sa Malibu, California.
Ngayon, fully recharged at handa nang muling bumalik sa trabaho ang aktres. At natuwa siya sa sorpresa ng kanyang younger sister na si Yela na inayos ang kanyang kuwarto, nilagyan ng peach and pink balloons at may streamer na may nakasulat na “Welcome back!”
Pumasyal na rin siya sa Viva Office at nakipag-usap kay Boss Vic del Rosario para sa kanyang gagawing recording.
Well, may nakahanda na rin kayang project ang GMA Network para kay Lovi Poe?
Marami nang ini-launch na serye ang GMA-7 na pinagbibidahan ng mga Kapuso stars. Sana, magandang project ang ibigay sa kanya dahil na-miss na rin siya ng mga viewers.
Maging sa pelikula ay hinahanap na rin ang mga dating role na ginagawa ni Lovi Poe.





Comments