top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

4 magnanakaw todas sa pulis

Jeff Tumbado
Jun 14, 2019
1 min read

APAT na lalaki na sangkot sa mga serye ng nakawan ang napatay matapos makipagbarilan sa mga pulis sa Timoteo Road, Sitio DudurotPaligue, Bgy. Colgante, Apalit, Pampanga.

Ayon kay Lt. Col. Elmer Decena, inalerto nito ang kanyang mga tauhan matapos makatanggap ng ulat na pinagnakawan ng mga suspek ang Alfamart convenience store sa Sitio Pampanga Branch pasado alas-9:00 ng umaga.

Sa ikinasang dragnet operation sa Sitio Caldera, nakita ng mga pulis ang pulang Toyota Innova na ginamit bilang getaway vehicle ng mga suspek.

Sinubukan nila itong pahintuin pero, sa halip na tumigil ay bumunot pa ng baril at pinaputukan ang mga pulis.

Dahil dito, gumanti ng putok ang pulisya na nagresulta sa pagkasawi ng mga suspek.

Nakuha sa lugar ng engkuwentro ang dalawang kalibre .45 na baril, isang 9 mm na baril at hindi pa madeterminang halagang mga pera.

Dagdag pa ni Decena, sangkot na rin sa 6 na serye ng pagnanakaw at akyat-bahay ang mga suspek.

Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng mga nasawi habang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page