WARRIORS, MAKAKAYA BANG MAKAALAGWA SA GAME 6?
- BULGAR

- Jun 13, 2019
- 2 min read

KAHIT wala ang injured na si Kevin Durant, ang Golden State Warriors ay paborito pa rin at nakakaungos ng 3 puntos kamakalawa para magwagi sa Game 6 NBA Finals. Nakapuwersa ang Golden State ng next game ngayon sa Oakland sa bisa ng 106-105 victory kontra Toronto Raptors nang muling dumanas ng injury sa kanang paa sin KD gayung kababalik lang nito sa laro bunga ng right calf strain. May naitalang 4.5 puntos ang Golden State bilang paborito sa Game 6, habang pumoste ang Westgate na may 2.4 puntos na kalamangan ang Warriors.
Inilista ng William Hill Sportsbook ang Warriors na may -150 sa money line, kung saan ang Raptors ay may +130. Ang FanDuel ay may nailistang -152 para sa Golden State, na may $100 na bet sa Raptors at may panalong $130. Ang Bovada ay may dikit na talaan, ang Warriors ay may -140 at ang Toronto ay may +120.
Samantala, ginanahan ang team dahil sa pagbabalik-laro ng injured teammate na si Durant pero naging emosyonal ang kanilang panalo, may fighting spirit pa ang Golden State at nananatiling buhay pa ang tsansa nila. Ikatlong sunod na titulo ang pakay ng defending champion Golden State at ikaapat sa kanilang limang season, binigla ang Toronto sa Game 6 at tila ipapatas ng GSW sa 3-3 ang laro. “We’re going to have to will ourselves for another 48 minutes to stay alive,” ayon kay Warriors guard Stephen Curry. “And whatever it’s going to take from every single guy in our jersey. I don’t know if there’s going to be a speech in the locker room, if there’s going to need to be words at all. We understand the moment and I think we can rally.” Isang buwan na nagpahinga si Durant, ang 2017 at 2018 NBA Finals Most Valuable Player, dahil sa inindang right calf injury bago nagbalik sa Game 5 noong Lunes pero, dumanas naman ng panibagong right Achilles tendon injury at kailangan nang lumabas ng maaga sa arena.
Ang maigsing oras na pagbabalik ng 30-anyos na superstar ang nagpamayani sa Warriors sa playoffs sa bisa ng 34.2 points sa game, iyon din ang nagbigay ng ekstrang motibasyon para sa teammates na nakita ang kanyang puso sa laro para sa pakay ng kampeonato. “We’ll be suiting up in front of Oracle Arena and with the amazing atmosphere and opportunity to play for him, and to kind of honor the sacrifice he made in terms of putting his body on the line,” saad ni Curry. “We’re going to give everything we got. We’re going to fight. We’re going to compete.” (MC)





Comments