Paulit-ulit na pinaasa lang… ANGELICA, NAPAGOD NA SA MGA LALAKI
- BULGAR

- Jun 13, 2019
- 1 min read

TAMA lang na magpahinga muna ang puso ni Angelica Panganiban na napagod nang magmahal matapos umasa at nabigo lang naman.
Mahalin muna ni Angelica ang kanyang sarili at muling ibalik ang kumpiyansa. Todo-todo kasi siya kung magmahal, all mine to give na halos wala nang itinitira sa sarili.
Hindi naman titigil ang ikot ng mundo kung loveless siya. Hindi naman ang pakikipagrelasyon lang ang makakapagbigay sa kanya ng kaligayahan at peace of mind.
Sa tamang panahon, darating din ang right guy na magmamahal sa kanya nang taos-puso at hindi siya paaasahin lang. May mga katangian namang maganda si Angelica P.!





Comments