Pamumudmod ng mga regalo at sobre sa Kamara, nagsimula na, tsk-tsk-tsk!

GUMAGRABE na ang girian sa Speakership sa Kamara.
Sinasabotahe at pinepeke na raw ang mga balita!
◘◘◘
IKINALAT sa media ni Rep. Jericho Nograles na dalawa na lang daw ang naglalaban bilang Speaker kung saan tinukoy sina Rep. Martin Romualdez at Rep. Lord Alan Velasco.
Pero, kasabay nito, inihayag naman ni Sen. Cynthia Villar na suportado ng Nacionalista Party si Rep. Alan Peter Cayetano.
He-he-he!
◘◘◘
NILINAW ni Sen. Villar na anuman ang mangyari, tiyak na nasa likuran ni Rep. Cayetano ang buong partido ng NP.
Nauna nang inihayag ni Cam. Sur Rep. Luis Raymund “LRay” Villafuerte na naninindigan sila kay Cayetano sa gitna ng ulat ng massive vote-buying sa Kamara!
◘◘◘
BINIGYAN-DIIN ng NP na kailangang may sapat na karanasan sa gobyerno ang magiging Speaker.
Hindi maaaring makatulong sa Duterte administration ang baguhan at walang gaanong karanasan sa pasikut-sikot ng pamahalaan!
◘◘◘
BUKOD sa NP, suportado rin si Rep. Cayetano ng National Unity Party (NUP).
Mahigit 50 kongresista ang kasama sa NUP na nangako kay Rep. Cayetano bukod pa ang ilang independent congressmen!
◘◘◘
NAIS palabasin ni Rep. Nograles na siya ang lider ng Partylist Coalition at hindi si 1Pacman Rep. Mikee Romero.
Ibinunyag niya sa media na dalawa na lang ang pinagpipilian ng koalisyon ng mga partylist representative!
◘◘◘
INAMIN ni Rep. Romero na next week pa magpupulong ang Partylist Coalition kaya peke ang mga lumabas na ulat.
Umiinit ang girian dahil din sa ulat na suportado ng SMC tycoon na si Rep. Ramon Ang ang kandidatura ni Velasco kaya marami ang nagsisipsip upang maambunan ng biyaya.
Ha! Ha! Ha!
◘◘◘
NAGSIMULA na ang mga gimik sa mga break session kung saan namimigay na ng kung anu-anong regalo at sobre ang mga kolokoy.
Sabagay, maaari ring makatiba ang mga coordinator o “bugaw” mula sa dambuhalang sikretong regalo.
Kung sa nakaraang eleksiyon ay tumipak ang mga coordinator sa barangay, lalong titiba ang “coordinators” sa Kamara!
◘◘◘
ANG misis kasi ni Rep. Velasco ay katiwala ni Ang sa malaking korporasyon.
‘Yan ang dahilan kaya siya idinidikit sa naturang negosyante!
◘◘◘
AABOT sa trilyong pisong proyekto ang inialok ng SMC sa ilalim ng proyektong “Build, Build, Build” Program ng gobyerno.
Napakahalagang maimpluwensiya nito ang Kamara na kabilang sa maseselang desisyon ng pamahalaan!
◘◘◘
ANG gas-powered plant na pag-aari ng SMC sa Batangas ay sinasabing may malaking utang daw sa gobyerno.
Taliwas kina Lucio Tan at Roberto Ongpin na napuwersang magbayad ng utang sa gobyerno, hindi raw nagbabayad ang naturang independent gas-powered plant!





Comments