Nagsusulsol kay P-Digong para banatan ang Simbahang-Katolika, alam na!

BAD GAMITIN SA SCAM ANG RELIHIYON — Ang naging isyu ni P-Duterte sa pagpapasara sa sekta ni Pastor Apolinario ay dahil sangkot daw ito sa investment scam.
Kung totoong sangkot ang KAPA sa investment scam, dapat lang ipasara ito kasi hindi tama na ginagamit ni Pastor Apolinario ang relihiyon para raketin ang mga miyembro ng kanyang sekta, period!
◘◘◘
SINUSUHULAN BA NI QUIBOLOY SI P-DUTERTE PARA SIRAAN ANG CATHOLIC CHURCH? —Sa isang salita lang ni Pastor Apollo Quiboloy ay agad inatasan ni P-Duterte ang National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police (PNP) na ipasara ang KAPA Community Ministry International, Inc., ang sekta ni Pastor Joel Apolinario na kakumpitensiya ng sekta ni Quiboloy sa Mindanao. Ang lakas talaga ni Quiboloy kay P-Duterte.
Ngayon, dapat pa bang i-memorize kung sino ang nagsusulsol kay P-Duterte para siraan ang Catholic Church, pagbantaan ang mga taong-Simbahan, pagmumurahin at alipustahin ang Diyos? Boom!
◘◘◘
NAGLINIS SA PANGALAN NI SEC. PIÑOL, KAPWA NIYA DDS NA SI JIMENEZ—Ipinagmalaki ni Agriculture Sec. Manny Piñol na nilinis na raw ni Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) Chairman Dante Jimenez ang kanyang pangalan tungkol sa mga isyu ng corruption na ipinupukol sa kanyang tanggapan.
Natural, sino pa ba ang magtatanggol sa DDS na tulad ni Sec. Piñol kundi ang kapwa niya DDS na si Jimenez, boom!
◘◘◘
MGA BATANG MAG-AARAL, NARARAKET SA COLOR GAMES AT DROP BALLS NI “KIROS” SA TARLAC —Kabilang daw ang mga batang estudyante sa tumataya sa raket na color games at drop balls ni “Kiros” sa Bgy. Pandan, Bamban, Tarlac.
Paging Tarlac PNP Director, Col. David Nicolas Poklay, baka puwedeng paki-”tokhang” na si “Kiros” para matigil na ang panraraket nito sa mga batang mag-aaral sa Bamban, plis lang!





Comments