top of page
Pokwang.jpg

Ihanda habang maaga pa ang mga estudyante sa mga research work

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 13, 2019
2 min read

ANG research work ay mahalagang aca­demic requirement ng mga estudyante sa kanilang pag-aaral.

Katunayan, ang pag-submit ng research paper o thesis ay isa sa pinakaimportanteng basehan para maka-graduate sa kolehiyo.

Kabilang ang ilang mga kolehiyo at unibersidad tulad ng Adamson University (AdU), Jose Rizal University (JRU), Manila Central University (MCU), University of Sto. Tomas (UST) at Technological Institute of the Philippines (TIP) Manila sa tinatawag na Center of Excellence (COE) at Center of Development (COD) ng Commission on Higher Education (CHED).

Ayon sa CHED Memorandum Order No. 55, ibig sabihin nito ay responsibilidad ng mga paaralang ito na pagtuunan ng pansin ang pagtataguyod ng instructional at research capability building, research projects at net­working at iba pang aktibidad para sa mga college student.

Ayon kay Dr. Nilo Rosas, pangulo ng New Era University, ang research ay dapat lamang na maging pangunahing layunin ng mga COE at COD school sa iba’t ibang paksa tulad ng science at technology, pag­papa­unlad ng kultura at katauhan, pagpapa­iral ng de­mokrasya, pag-iingat ng kapaligiran at mara­mi pang iba.

Tungkulin ng mga professor na mangu­na sa makabagong techniques ng pagsasa­gawa ng pananaliksik upang maituro at maipasa ang karunungan sa kanilang mga estudyante.

Habang maaga pa, sanayin ang mga mag-a­aral upang maging bihasa sila bago pa mag­kolehiyo. Sa kabilang banda, inaasahan ang mga mag-aaral na maging mabusisi sa kani­lang pa­­ngangalap ng datos, detalye at impor­masyon.

Dahil sa mga makabagong pamamaraan tulad ng internet, mabilis tayong nakakukuha ng impormasyon. Huwag makuntento sa pag-copy at paste lamang.

Palaging isaisip na hindi katanggap-tanggap ang ganitong sistema sa inyong paaralan na sentro ng karunungan at kagalingan, kaya naman iwasan ang ganitong madali ngunit, mapanganib na pamamaraan.

Ang tunay na mananaliksik ay siste­matiko, madiskarte at matiyaga sa pagha­hanap ng wasto at akmang materyal. Ma­ingat dapat nitong tinitingnan ang bawat anggulo ng resulta, lalo na ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga lumabas na datos.

Sa mga kabataan, huwag kayong ma­takot, gawing inspirasyon ang mga kiniki­lalang pinakamagagaling na mananaliksik at eksperto sa bansa, partikular na sa larangan ng agham tulad nina Angel Alcala, Benja­min Cabrera, Pedro Escuro, Edgardo Gomez, Bienvenido Juliano, Milagrosa Martinez, Evelyn Mae Mendoza at Baldomero Olivera.

Magsaliksik kung paano sila nagsaliksik at lubos na pag-aralan ang kanilang pag-uugali at estilo na nagbigay sa kanila ng tagumpay.

Sa totoo lang, para sa atin ay masaya at exciting ang paggawa ng iba’t ibang klase ng research—estudyante man o propes­yunal. Sa pamamagitan nito ay nahuhubog hindi lamang ang ating kaalaman kundi ito ay may epekto sa hinaharap na mapaunlad ang kalidad ng pamumuhay ng tao.

Kata­patan, responsibilidad at dedikasyon ang ilan sa sangkap ng makabuluhang pagsasaliksik.

May katanungan ka ba, reklamo o naisihingi ng tulong? Sumulat sa WIN TAYONG LAHAT ni Kuya Win Gatchalian, BULGAR Bldg., 538 QuezonAve., Quezon City o mag-email sa surewin.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page