top of page
Pokwang.jpg

Gustong malaman kung bakit hindi naisyuhan ng certificate ang kanyang GF na nakapasa sa examinatio

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 13, 2019
2 min read

Dear Chief Acosta,

Pumasa ang aking kasintahan sa Licensure Exam for Interior Designers ngunit, ayaw siyang isyuhan ng Certificate of Registration ng Board of Interior Design. Ayon daw sa Board, may nakuhang cellphone sa kanya noong nakaraang exam na ipinagbabawal sa pangkalahatang tagubilin sa pagsusulit. Hindi naman niya ginamit ang nasabing gadget upang mandaya. Napatunayan ito pagkatapos ng imbestigasyon ng Board. Tama ba ang kanilang ginawa? — Alex

Dear Alex,

Para sa inyong kaalaman, ang batas na nakasasaklaw sa inyong katanungan ay ang Republic Act (RA 10350) o mas kilala sa tawag na Philippine Interior Design Act of 2012. Nakasaad sa Section 21 nito na:

“Section 21. Refusal to Register. - The Board shall not register any successful applicant for registration who has been:

◘◘◘

(c) Adjudged guilty for violation of the General Instructions to Examinees by the Board.”

Ayon sa nasabing batas, maaaring hindi maisyuhan o irehistro ang tao na nakapasa sa Licensure Examination for Interior Designers kung mayroon siyang nilabag sa pangkalahatang tagubilin tungkol sa pagsusulit. Nakasaad din sa Implementing Rules and Regulations (IRR) ng nasabing batas ang mga sumusunod na kapangyarihan at responsibilidad ng mga miyembro ng Professional Regulatory Board of Interior Design:

“Section 10. Powers, Functions, Duties and Responsibilities of the Board. The Board shall exercise the following specific powers, functions, duties and responsibilities:

◘◘◘

(d) Issue, suspend, revoke or reinstate the certificate of registration or professional license for the practice of the interior design profession.”

Samakatwid, ang pangalan ng inyong kasintahan ay maaaring hindi mairehistro kahit siya ay pumasa sa pagsusulit kung batay sa nakaraang desisyon ng naturang Board ay mayroon siyang ginawang paglabag sa nabanggit na batas.

Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa isang abogado.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page