First time mom na worried dahil nalalagasan ng buhok

Doc. Shane, First time mom ako at isang taon pa lang ang baby ko. Napansin ko na naglalagas ang aking buhok mula ng manganak ako. Normal lang ba ito? Nag-aalala ako kasi dati nang manipis ang aking buhok at baka wala nang matira kung patuloy ang paglalagas nito? Ano ang mabuting gawin? — Elma
Sagot Ayon sa mga hair specialist, normal lang sa kababaihan na maglagas ang kanilang buhok matapos manganak.
Sa panahon ng pagdadalantao, mas maraming inilalabas ang katawan na estrogen, isang uri ng hormone na nagkokontrol sa hair cycle o ang paulit-ulit na pagtubo at pagkalagas ng buhok ng tao.
Normal sa atin ang maglagas ng buhok 50 hanggang 100 hibla kada paligo o pagsuklay ng buhok.
Subalit, kapag nagbuntis ang babae, tumataas ang level ng estrogen at ‘yung normal na paglalagas ng buhok ay titigil.
Pagkapanganak ng babae matapos ang isang buwan, mataas pa ang level ng estrogen at pagkatapos ng mga ilang buwan ay bababa na ulit ang level ng estrogen kaya maglalagas na ang buhok sa panahong ito.
Kadalasan, umaabot ng anim na buwan hanggang isang taon bago bumalik sa normal ang hair cycle.





Comments