top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

4TH WIN, ITINALA NI VALDEZ SA PVL

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 13, 2019
1 min read

TINAPOS ng defending champion Creamline ang unang round sa pamamagitan ng pagposte ng ika-4 na sunod nilang panalo makaraang walisin ang BaliPure, 25-19, 25-18, 25-23, kahapon sa Premier Volleyball League Season 3 Reinforced Conference sa FilOil Flying V Center sa San Juan.

Tumatag sa pagkakaluklok nila sa solong ikalawang puwesto ang Cool Smashers makaraang umangat sa markang 4-1, panalo-talo. Pinangunahan ng 5-time league MVP na si Alyssa Valdez ang nasabing panalo sa ipinoste nitong 16 puntos na kinabibilangan ng 12 kills at 4 na service aces bukod pa sa 10 digs.

Nag-ambag ang kanilang Thai import na si Kuttika Kaewpin ng 11 puntos at ang Venezuelan na si Aleoscar Blanco ng 9 na puntos. Nakagawa si Jia Morado ng 19 excellent sets na may 4 points.

Nanguna naman para sa winless pa ring Water Defenders (0-5) sina import Alexandra Vajdova na gumawa ng 17 puntos at tig-8 digs at receptions at si Danijela Dzakovic ay may naiambag na 10 puntos. (VA)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page