2 kelot dedbol sa kuryente
ISABELA—Dalawang hindi kilalang lalaking lulan ng motorsiklo ang namatay nang makuryente, kamakalawa sa Bgy. Patul, Santiago City sa lalawigang ito.
Kasalukuyan pang inaalam ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan sa dalawang biktima.
Ayon sa ulat, habang magkaangkas na nakasakay sa motorsiklo ang dalawang biktima ay nadaanan ng kanilang sasakyan ang live wire at ito ang naging dahilan kaya nakuryente sila sa nasabing lugar.
Dinala pa ng mga saksi ang dalawang biktima sa ospital, pero kapwa sila idineklarang dead-on-arrival.





Comments