ZAB JUDAH, NAOSPITAL; ORUCUTA, NA-COMA


DALAWANG nakalulungkot na balita sa mundo ng boksing ang gumulantang sa fans dahil ang mga world-class boxer na sina Zab Judah at Felipe Orucuta ay nasa malubhang kondisyon sa ospital.
Parehong sumabak sa laban sina American Judah, 41, at 33 year-old Mexican Orucuta noong Sabado at ngayon ay sinusuri ng mga doktor ang kanilang kondisyon.
Hindi pa malinaw hanggang ngayon ang sitwasyon ni Judah habang si Orucuta ay sinasabing kritikal ang kalagayan.
Si Judah ay nagtamo ng halos 300 mga suntok sa ulo nang matalo kay Cletus Seldin sa 11th round kaya unang napaulat na seryoso ang lagay sa ospital. Sa isang post na nai-retweet ni ESPN Steve Kim mula kay @suziec611, nilinaw nito ang sitwasyon ni Judah.
“Just confirmed Zab Judah from family, he is not in a coma but he is in the hospital. He is in good spirits. Zab was not feeling well after his fight and decided to take the extra step of precautions to make sure he’s physically okay.” (MC)





Comments