Wanted na negosyante tiklo
Pabs Hernandez III
Jun 12, 2019
1 min read
ISABELA—Isang wanted na negosyante ang dinakip ng pulisya, kamakalawa sa Bgy. Barucboc, Quezon sa lalawigang ito.
Ang suspek ay nakilalang si Gadrey Sudaria, nakatira sa nabanggit na barangay.
Nabatid na dinakip ng pulisya si Sudaria sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong paglabag sa anti-violence against women and children.
Hindi naman nanlaban si Sudaria nang dakpin ito ng pulisya sa nasabing lugar.





Comments