Sakto at ipinagdiriwang natin ito ngayon... 5 THINGS NA MAY KAUGNAYAN SA ARAW NG KALAYAAN

FOR sure, alam nating lahat kung ano ang ipinagdiriwang ngayong araw. Marahil, napag-aralan na natin noon ang ilang detalye sa Araw ng Kalayaan, pero, talaga bang alam na natin ang lahat ng tungkol dito? Kung hindi pa, narito ang ilang bagay tungkol sa Araw ng Kalayaan:
1. Philippine flag can be use in peace and war. Ayon sa Republic Act No. 8491, may iba’t ibang uri ng paggamit sa ating watawat. Ang tamang posisyon ng watawat kapag ito ay nakawagayway sa hangin at nasa itaas ang bughaw, ngunit, noong panahon ng digmaan, ang bughaw ang nasa ibaba at ang pula ay nasa ibabaw.
Kung ito ay nakasabit, ang bughaw ay nasa kanan para sa kapayapaan at pula ang nasa kaliwa sa oras ng digmaan.
2. THE FLAG WAS USED BEFORE INDEPENDENCE DAY. Ang watawat ng Pilipinas na inilabas noong ika-28 ng Mayo 1898 ay nawala sa Tayug, Pangasinan noong pumunta si Heneral Emilio Aguinaldo sa Hilagang Luzon para sa Filipino-American War.
Gayunman, ang kauna-unahang watawat ng Pilipinas ay makikita sa museo sa Baguio City.
3. July 4 was observed as Independence Day until 1962. Noong Hunyo 12, 1898, idineklara ni Heneral Emilio Aguinaldo ang kalayaan ng Pilipinas mula sa Espanya, ngunit, dahil sa Treaty of Paris, hawak pa rin tayo ng mga Amerikano dahil sa pagbenta ng Espanya sa atin. Pagkatapos ng 48 taon, nakamit ng Pilipinas ang tunay na kalayaan mula sa mga Amerikano noong ika-4 ng Hulyo 1946. Gayunman, ipinagdiriwang ang Araw ng Kalayaan tuwing ika-4 ng Hulyo, ngunit, sa ilalim ng pamamahala ni dating Pangulo Diosdado Macapagal, binago ito at naging ika-12 ng Hunyo.
4. The national anthem. Ang Pambansang Awit ay orihinal na isinulat bilang incidental marching music at walang lyrics nang ipinatugtog sa proklamasyon ng kalayaan ng Pilipinas noong 1898.
Ginamit ang lyrics noong 1899 na nilikha ni Jose Palma mula sa kanyang tula. Noong Setyembre 5, 1938, binigyang-kulay ni Julian Felipe ang Pambansang Awit na pinamagatang Lupang Hinirang na ang ibig sabihin ay “Chosen Land”.
5. THE THREE STARS IN THE FLAG. Ayon sa kaalaman ng karamihan, ang tatlong bituin sa watawat ng Pilipinas ay sumisimbolo sa Luzon, Visayas at Mindanao, ngunit, ayon sa mga eksperto, ito ay sumisimbolo sa Luzon, Panay at Mindanao dahil ang nabanggit na mga lugar ang nagsimula ng rebolusyon sa bansa. Matagal na panahon ng paghihintay at pakikipaglaban ang ginawa ng mga Pilipino noon upang makamit ng bansa ang tunay na kalayaan.
Kaya bilang Pinoy, dapat tayong manindigan na hindi na dapat sakupin ninuman ang ating bayan. Maligayang Araw ng Kalayaan, mga ka-BULGAR!





Comments