Religious group na sangkot sa investment scam, dapat lang na ipasara!

TAMA ANG DESISYON NI P-DUTERTE NA IPASARA ANG KAPA—Bad pala ang religious group na KAPA Community Ministry International Inc. kasi ayon kay P-Duterte, niraraket nito sa pamamagitan ng investment scam ang kanilang mga miyembro.
Kaya ang desisyon ni P-Duterte na ipasara ang religious group ay tama lang kasi kung hindi niya ito ipasasara, marami pa itong mabibiktima sa raket nilang investment scam, period!
◘◘◘
IMBES NA SUPORTAHAN, GALIT ANG IPINAKIKITA NI P-DUTERTE SA COA—Galit na naman si P-Duterte sa Commission on Audit (COA) dahil kinuwestiyon nito ang P5 milyon na bahagi ng Marawi rehab fund na ginastos ni Task Force Marawi Chairman Eduardo del Rosario sa Hajj pilgrimage sa Saudi Arabia.
Kung totoong galit sa korupsiyon si P-Duterte, dapat suportado niya ang COA dahil ito ang ahensiyang bumubusisi kung nagagamit sa wasto ang pera ng bayan, pero ang masaklap, galit ang ipinakikita niya sa COA kapag may natutuklasan itong anomalya ng mga gov’t. official, buwisit!
◘◘◘
MGA CHINESE, TAKOT MAAPEKTUHAN NG BAGYO KAYA PULASAN NA SA KARAGATAN NG PILIPINAS—Kumpirmado, nag-aalisan na sa karagatang sakop ng Pag-asa Island ang ilan sa mga Chinese vessel.
Nag-aalisan na ang mga Chinese vessel hindi dahil may respeto sila kay P-Duterte, malamang, nag-aalisan sila dahil tag-ulan na at natakot silang masalanta ng mga malalakas na bagyo sa West Philippine Sea (WPS), boom!
◘◘◘
LOTTENG AT BOOKIES NI “DUDONG” SA MANDALUYONG CITY—Isang “Dudong” daw ang may pa-raket na lotteng at bookies sa Mandaluyong City.
Pambihira, ang sabi noon ni Mayor Carmelita Abalos, wala raw manraraket sa kanyang nasasakupan, eh, mayroon pala, buwisit!





Comments