top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Para maka-move on daw sa nangyari sa Bb. Pilipinas... PAYO NG NETIZENS: VICKIE, LUMAYU-LAYO MUNA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 12, 2019
  • 1 min read

HINDI dapat dibdibin nang husto ni Vickie Rushton ang hindi niya pag­kaka­panalo ng anumang puwesto at korona sa ginanap na Bb. Pilipinas 2019.

Matindi ang kanyang mga nakala­ban at talagang pang-beauty queen ang porma. Baga­ma’t halos hinakot ni Vickie ang mga special awards, naging mailap sa kanya ang korona at titulong pina­pangarap niya.

Kahit pa bet siya ni Pia Wurtzbach, still, kinulang siya sa score lalo na’t medyo kinapos at sumablay siya sa Q & A portion. Na-distract daw siya dahil sa isang nasa audience na nag-make face sa kanya.

Marami rin ang nanghinayang at nakisimpatya kay Vickie dahil malaki ang chance niyang manalo at makapag-uwi ng korona.

Pakiusap din ng boyfriend ni Vickie na si Jason Abalos, tigilan na ng mga bashers ang kanyang nobya upang tuluyan nang maka-move on sa masakit na experience sa ginanap na Bb. Pilipinas beauty pageant.

Marami rin ang nagpapayo kay Vickie na mag­karoon ng short vacation upang makabalik sa normal routine ng kanyang buhay.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page