top of page
Pokwang.jpg

PAGSASAAYOS NG MARKA, TARGET NI ARDINA SA LPGA

Eddie M. Paez, Jr.
Jun 12, 2019
1 min read

SISIKAPIN ni Pinay parbuster Dottie Ardina na makakuha ng magandang marka sa kanyang professional career sa pagsabak niya sa 2019 Meijer LPGA Classic for Simply Give sa palaruan ng Grand Rapids sa Michigan, bukas Huwebes.Matatandaang unti-unti nang kinakikitaan ng makinang na porma si Ardina sa LPGA.

Noong nakaraang US Women’s Open Golf Championship sa Charleston, South Carolina, nakaiwas sa maagang pag-eempake si Ardina matapos kumartada ng sub-par performances at maagang nakapasok sa weekend play.

Pumasok pa siya sa top 15 pero nawala ang kanyang pulso sa huling dalawang rounds kaya nakawala sa Pinay ang tsansang makapasok sa unang 10 performers.

Sa nakalipas na ShopRite LPGA Classic sa Galloway, New Jersey, mainit na arangkada ang nasaksihan kay Ardina sa opening round pero sa 2nd round ay dumausdos ang kanyang palo kaya umuwi na ito na eliminated sa huling dalawang rounds.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page