top of page
Pokwang.jpg

Pagbebenta ng gamot online, iligal!

Ryan B. Sison
Jun 12, 2019
1 min read

USUNG-uso na ang pagsa-shopping online kung saan maging ang gamot para sa sakit ay posible na ring dito mabili.

Pero, bago pa man tuluyang makasanayan, nagbabala ang Food and Drug Administration (FDA) sa mamamayan na iwasan ang ganitong pamamaraan dahil maaari itong magdulot ng masamang epekto sa ating kalusugan.

Ito ay dahil sa pagbili online, hindi masisigurado kung peke umano ang nasabing gamot na binili, gayundin na baka hindi ito nabibigyan ng naaayon na storage.

Gayunman, ayon sa FDA, hindi pinapayagan ang pagbebenta ng gamot online kaya maituturing itong iligal, lalo na kung ang nagbebenta ay wala namang existing FDA-licensed Pharmacy at hindi accredited na botika na may physical address.

Sa totoo lang, iwas-hassle kapag sa online tayo bumibili, pero sana, pagdating sa kalusugan, maging maingat tayo.

Hangga’t maaari ay sa mga pinagkakatiwalaang botika na lang bumili ng gamot nang sa gayun ay hindi mapahamak, partikular kung mga bata ang iinom nito.

Tandaan, mas mabuti ng mahirapan nang panandalian kaysa magsakripisyo, habambuhay dahil sa katamaran. Keep safe, mga ka-BULGAR!

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page