top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Negosyante ginulpi ng tenant

  • Maeng Santos
  • Jun 12, 2019
  • 1 min read

SA ospital ang bagsak ng 41-anyos na negosyante matapos gulpihin ng kanyang tenant makaraan ang kanilang argumento sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon.

Isinugod sa Valenzuela Medical Center si Eddie Llena Manzanero, sanhi ng tinamong sugat sa mukha at katawan.

Sumuko naman ang suspek na si Mervin Gripon, 35, ng Blk. 3, Lot 23, Northville 13, sa rumespondeng mga barangay tanod.

Alas-2:30 ng hapon nang magkaroon ng argumento sa pagitan ng biktima at suspek hinggil sa pag-alis ni Gripon sa inuupahang bahay na pag-aari ni Manzanero.

Sa kainitan ng pagtatalo, sunud-sunod na sinapak ng suspek ang biktima hanggang sa bumagsak.

Inginudngod pa ng suspek ang mukha ng biktima sa semento bago ito naawat ng kanyang mga kapitbahay.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page