top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Kotse vs. trak, estudyante todas

Janice Baricuatro
Jun 12, 2019
1 min read

PATAY ang college student na driver ng kotse habang kritikal ang sakay nitong Grade 12, gayundin ang driver ng nakasalpukang water tank truck habang bumabagtas sa kahabaan ng Emilio Aguinaldo Highway, Bgy. Buho, Silang, Cavite, kahapon ng madaling-araw.

Hindi na umabot ng buhay sa pagamutan ang driver ng kotse na si Charles Patrick Hernandez, 20, 2nd year college student, residente ng Bgy. Habay, Bacoor City habang ginagamot ang sakay nitong si Angeliz Cosme, 17, Grade 12, residente ng Bgy. Panapaan 7.

Sa nakalap na ulat mula kay PSSG. Aries Mendoza, alas-12:30 ng hatinggabi nang maganap ang insidente kung saan sakay ang dalawang estudyante ng Toyota Vios (AJA 9837) at bumabagtas sa nasabing highway.

Nabatid na may kabilisan umano ang pagtakbo ng mga ito kaya hindi na nagawang makapagpreno para sa papaliko sanang truck na may conduction sticker number CT-0252 at minamaneho ni Danilo Libusta, 51, residente ng Bgy. San Jose, Tagaytay City kaya tuluy-tuloy na sumalpok ang kotse ng mga biktima.

Pagkasalpok ng kotse sa mga ito, nagpagulung-gulong pa ito sa kalsada at tuluyang humampas sa kongkretong hagdanan sa kabilang lane ng nasabing highway.

Wasak ang kotse ng mga biktima kaya pahirapan pa bago tuluyang nailabas ang mga biktima.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page