top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Kaya dapat daw, eh, may distansiya pa rin, besh! 5 DISADVANTAGES NG PAGPA-PADILA SA MGA ASO, ALAMIN!

Ronalyn Seminiano Reonico
Jun 12, 2019
2 min read

AYON kay Liz Walden ng Petsecure, taong 2017, mahigit 11,600,000 ang populasyon ng aso sa Pilipinas. Patunay ito na mahilig sa doggies ang mga Pinoy. Karamihan pa sa atin ay higit pa sa kaibigan ang turing sa kanila. Super close tayo sa mga pet natin at kung minsan ay hindi natin nare-realize na may mga bad effect din ang pagi­ging clingy natin sa kanila tulad ng pagpa­padila at paghalik natin sa mga alaga nating 'bantay'. Ayon sa certified health coach na si Isadora Baum, maaari tayong ma-expose sa germs at bacteria kung hahayaan nating halikan tayo ng alaga nating doggies.

Narito, ang mga “yucky thing” na maaaring mangyari kapag dinilaan tayo ng aso:

1. THERE ARE PARASITES. Ayon sa certified dog/cat behaviorist at trainer na si Russell Hartstein, ang bibig ng aso ay mas marumi at harmful dahil sa mga parasite at bacteria na matatagpuan dito.

2. YOU MIGHT GET AN UPSET STO­MACH. Kaugnay sa nabanggit ni Mr. Hartstein, sinabi ni Dr. Robert Glatter ng Northwell Health na ang mga bacteria, virus at fungi na naninirahan sa bibig ng mga doggy ay maaari nating makuha sa pamamagitan ng pagpapa­halik at pagpapadila sa atin. Ang mga zoonic bacteria tulad ng salmonella, campy­lobacter at E.coli ay maaaring magdulot ng gastrointestinal illnesses.

3. YOU MIGHT GET POOP ON YOUR FACE. Ayon kay Dr. Glatter, tunay na nakatutuwa ang mga alaga nating aso lalo na ‘yung matalino at madaling turuan, ngunit, hindi maiaalis sa kanila ang mga nakadidiring ugali tulad ng pagsubsob ng nguso sa kanilang mga dumi at pagdila sa iba’t ibang parte ng katawan ng ibang aso tulad ng anus. Kaya ang mga duming nakuha nila sa kanilang kakulitan ay maaaring mapunta sa ating mukha o katawan kung hahayaan nating halikan o dilaan nila tayo. Ewww!

4. THE POTENTIAL FOR GERMS IS ENDLESS. Ang paalala ni Coach Baum, ang mga aso ay mahilig mandila at umamoy ng kung anu-anong bagay tulad ng basurahan at iba’t ibang maruruming lugar at bagay at hindi lang ‘yan, aniya, maaaring makakuha ang tao ng capnocytophaga cani­morsus, isang uri ng bacteria na nanggagaling sa laway ng aso. Ayon sa pag-aaral na isinagawa noong 2006, ang bacteryang ito ang pangu­nahing sanhi ng meningitis, endocarditis, sepsis at iba’t ibang immunodefien­cies.

5. YOU CAN GET HOOKWORMS. Dagdag pa ni Dr. Glatter, dahil sa ugali ng aso na pag-amoy sa mga dumi ng iba’t ibang hayop, maaaring maging dahilan ito sa pagkakaroon natin ng hookworms o roundworms dahil maaari itong pumasok sa ating ilong, mata o bibig kung hindi natin lalagyan ng sapat na distansiya ang relasyon natin sa mga alaga natin.

Oh, ayan mga tropa, malinaw na ipinaaalala sa atin na mayroong mga negati­bong epekto ang pagpapa­halik at pagpapadila sa mga alaga nating aso. Mahirap magkasakit kaya lagyan din natin ng kaunting distansiya ang relasyon natin sa ating mga pet.Okay?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page