Hirit ng Simbahan | BADING AT TIBO, SUMISIRA NG PAMILYA
- Madel Moratillo
- Jun 12, 2019
- 1 min read

HINDI fluid ang gender identity at hindi tao ang pumipili sa kanyang magiging kasarian.
Ito ang nakasaad sa dokumentong inilabas ng Congregation for Catholic Education ng Vatican na may titulong “Male and Female He Created Them”.
Ang nasabing dokumento ay naglalayong maging gabay ng mga Catholic teacher, magulang, estudyante at mga pari upang tugunan ang umano’y “educational crisis” sa sangay ng sex education.
Nakasaad dito na ang kasariang nilikha lamang ng Diyos ay babae at lalaki.
At ang pagpapalit ng kasarian sa nais ng isang indibidwal ay labag sa aral ng Simbahan.
“Efforts to go beyond the constitutive male-female sexual difference, such as the ideas of ‘intersex’ or ‘transgender’, lead to a masculinity or femininity that is ambiguous,” bahagi ng nakasaad sa nasabing dokumento.
Ang sinasabing kalituhang ito umano sa kasarian ay nagdudulot lamang ng cultural “disorientation” at destabilisasyon ng pamilya bilang institusyon.
“This oscillation between male and female becomes, at the end of the day, only a ‘provocative’ display against so-called ‘traditional frameworks’” ayon pa sa nasabing dokumento.





Comments