Drug dealer dedo sa drug-bust
Pabs Hernandez III
Jun 12, 2019
1 min read
CABANATUAN CITY—Isang drug dealer ang napatay nang manlaban at makipagbarilan sa pulisya na nagsagawa ng drug-bust operation, kamakalawa sa Bgy. MS Garcia sa lungsod na ito.
Ang suspek ay nakilalang si Felix Belga, nakatira sa naturang lungsod.
Ayon sa ulat, darakpin sana sa drug-bust operation si Belga, pero nanlaban ang suspek at pinagbabaril ang pulisya.
Kaagad namang gumanti ng putok ang mga awtoridad na naging dahilan kaya napatay ang suspek.





Comments