3-ON-3 STREET NATIONWIDE BASKETBALL 3RD LEG SA BGC


NAGBABALIK ang pinakamalaking 3-on-3 street basketball tournament sa mundo at idaraos ito sa Pilipinas bilang ikatlong taon na nationwide competition.
Idinaraos ito sa Luzon, Visayas at Mindanao at ang final ay sa Hunyo 29 sa High Street Amphitheater sa Bonifacio Global City.
Ang magwawaging team ay aabanse sa Global Finals sa Agosto sa Toronto, Canada. Ang Red Bull Reign ay nagsimula sa ‘Pinas noong 2017 kung saan ang guidelines sa laro ay hango na rin sa FIBA (International Basketball Federation) 3-on-3 rules.
Bawat team ay may 3 players plus 1 na reserba na may edad 18 pataas. Legal dapat na Filipino citizen ang bawat player.
Ang laro ay ginagamitan ng half court. Ang unang team na makakaiskor ng 21 puntos o ang lalamang matapos ang 10 minuto ang magwawagi sa laban. Ang kompetisyon ay bukas sa mga players edad 18 pataas at dapat ay may nakahandang legal na pasaporte. (VA)





Comments