2nd LEG TRIPLE CROWN; HOPEFUL STAKES RACE

PINAGHAHANDAAN na ng mga horse owner ang susunod na Philracom 2nd Leg Triple Crown at Hopeful Stakes Races na gaganapin sa Saddle & Clubs Leisure Park, Naic, Cavite sa Hunyo 23.
Higit na magiging kapana-panabik ang susunod na laban sa 2019 2nd Leg Triple Crown at Hopeful Stakes Races dahil sa higit na malayo ang distansiya na bubunuin ng mga kalahok.
Ngunit, may agam-agam ang ilang horse owner kung sasali pa sila sa karerang nabanggit matapos manamlay ang kabayo sa mga resulta ng karera.
Ang iba naman ay nagsasanay at inihahanda ang kanilang kabayo sa nabanggit na laban. Mayroon namang nag-iisip na ‘wag nang sumali dahil naniniwala ang iba na walang patutunguhan ang kanilang kabayo.
Posible na ang ilan sa mga kalahok sa Triple Crown ang hindi na magkainteres na sumali dahil sa ipinakitang takbo ng kanilang mga alaga.
Maaaring umakyat ng laban ang mananalong kabayo sa Hopeful at 3 Year Old Locally Bred Stakes Race sa Triple Crown.
Ang mga kabayo na kandidato sa Triple Crown ay gaya ng Real Gold, Jayz, Toy For The Bigboy, My Jopay at Boss Emong.
Posibleng tumaas ng laban ang nanalong si Shanghai Noon sa nakaraang Hopeful Stakes Race.





Comments