top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Trabaho ng mga taga-showbiz, aayusin daw 'pag naging pulitiko siya uli…RESBAK NG NETIZENS: AIKO,

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 11, 2019
  • 2 min read

Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

TINUTULAN ng mga netizens nang mag-post si Aiko Me­len­dez ng plataporma niyang nais gawin kung sakaling tumakbo uli siya at manalo bilang pulitiko.

Sey ng aktres sa Facebook post niya noong June 8, “‘Pag ako tumakbo uli, ang dami kong batas na i-implement. #justsaying And ang showbiz industry ‘di ko papabaya­an.”

Iminungkahi ng aktres ang pagkaka­roon ng cut-off ng mga artista during shooting dahil ang nangyayari raw kung minsan ay nagiging want-to-sawa ang shooting hours nila.

Paliwanag ni Aiko, “Ang cut-offs ng mga artista, ‘di kaartehan or wala pakisama sa production. Ang tawag d’yan discipline. Both parties.”

Marami raw “lesser stars” o mas batang mga artista ang hindi makaangal sa ganito, pero sa edad daw niya ay hindi na niya ito kaya dahil automatic na nagsa-shut down ang utak niya kapag alas-dose na nang hatinggabi.

Kaya aniya, “I come early sa set. I deliver what’s asked of me, so I deserve the cut-off that I ask to be efficient as an actor too. Even the crews, sila ang pinakakawawa ‘coz last to go home sila. And some segue pa. Kaya need at least 6-8 hrs. of sleep ako.”

Panawagan pa ng aktres, “Sana, maging uniform na ang cut-offs sa artista. Ke maliit o malaki na artista. And that should start from us. Si Di­rek Ruel Bayani I heard ‘pag lumalag­pas sa cut-off, pumupunta mismo sa set para i-unplug ‘yung generator. Sana, maging great example ‘to sa lahat.”

Ayon sa aktres, nakiusap na siya sa GMA Network at pinayagan na siya.

“I asked GMA also to follow my cut-off and they willingly agreed. So, my advice is, all you have to do is ask nicely. And this should be mandatory! Lahat ng bagay, nadadaan naman sa paki­usap also,” pahayag ng aktres.

Dahil dito, inalala ng madlang pipol ang pagiging councilor ng aktres sa Quezon City, ngunit wala naman daw itong nagawa noong nasa puwesto pa.

Payo naman ng ilan sa magaling na aktres, hindi na niya kailangang tumakbo at magkaroon ng position sa gobyerno para maisulong ang mga advocacies niya.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page