Simula pa lang, 'big reveal' inaabangan na…EX-GF NI DEREK, TODO-PATUTSADA SA SOCMED TUNGKOL
- BULGAR

- Jun 11, 2019
- 1 min read

AYON kay Derek Ramsay, hindi bad breakup ang nangyari sa kanila ng GF niyang si Joanne Villablanca.
Pareho raw nilang desisyon ang maghiwalay at ayaw na niyang magdetalye pa kung ano ang real reason ng breakup bilang respeto kay Joanne.
Pero hindi raw niya pinipigilan ang ex-GF kung sakaling magpa-interview ito sa media.
At mukhang may hugot nga si Joanne sa paghihiwalay nila ni Derek dahil sa nai-post niya recently sa social media na may nabanggit tungkol sa “cheating”.
Meaning, may third party na pumasok sa relasyon nila ni Derek kaya nagulo ang kanilang relasyon?
Well, for sure, pasakalye pa lang ito ng ex-GF ni Derek. One of these days, tiyak na maglalabas din ito ng kanyang sama ng loob sa nangyari sa kanila ng aktor. At siguradong marami ang mag-aabang sa “big reveal” ni Joanne.
Marami rin ang nagtataka at nagtatanong kung bakit walang matagpuang “right girl” at “the one” ang hunk actor.





Comments