Pagsuspinde sa registered criminologist

Dear Chief Acosta,
Maaari bang masuspinde sa trabaho ang registered Criminologist kung sakaling hindi siya nakapagbayad ng kanyang registration fees? — Mario
Dear Mario,
Para sa inyong kaalaman, ang batas na sumasaklaw sa sitwasyon na inyong inilahad ay ang Section 24 ng Republic Act No. 11131 na mas kilala bilang “The Philippine Criminology Profession Act of 2018” kung saan nakasaad:
“Section 24. Nonpayment of the Annual Registration Fees. – The Board shall suspend a registered criminologist from the practice of the profession whether in government service, or have used the license as eligibility equivalent for promotion in government service, or in the private sector, for non-payment of the registration fees for two (2) consecutive registration periods from the last or previous year of payment. Other surcharges shall be determined and charged by the Commission.” (Binigyang-diin)
Ibig sabihin, maaaring masuspinde ng Professional Regulatory Board of Criminology ang registered Criminologist sa kanyang propesyon sa gobyerno o sa pribadong sektor kung sakaling hindi siya nagbayad ng registration fees para sa dalawang (2) magkasunod na panahon ng pagrehistro mula ng huling pagkabayad nito. Maaari ring magpataw ang Professional Regulations Commission ng surcharges, maliban sa nasabing hindi nabayarang registration fees.
Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa isang abogado.





Comments