top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

MY JOPAY AT SMOKIN SATURDAY, PATOK

  • Ding Taboy
  • Jun 11, 2019
  • 2 min read

RENDA at LATIGO

MAHIGPIT na maglalaban ngayong gabi ang mga kalahok sa pag-alagwa ng Additional One Win in Group Races sa Santa Ana Park, Naic, Cavite.

Magsisimula ang laban sa siyam na karera at magsisimula ng 6 p.m. na kapapalooban ng dalawang Winner Take All (WTA), dalawang Pick 5, Pick 6 at Pick 4. Magsisimula ang 1st WTA sa Race 1, at nakalalamang ang Facing Dixie, Miss HooknLadder at Joem’s Gal.

Kasing patok ang My Jopay at magsisilbing kalaban ang Brandy Drinker, isama sa trifecta ang Oktubre Katorse at Melody Amor sa Race 2.

Maghaharap sa simula ng 2nd WTA sa Race 3 ang Abakada at Halo Wander, habang ang Kapangyarihan ay dehado sa Condition Race (20). Magaganap ang simula ng Pick 6 at pinapaboran ang Peypaluc at Pilya habang may tsamba ang couple entry na Boston Strong at Olympic Gold sa Race 4.

Sa Race 5, nakalalamang ang Gensan Special laban sa Sangko Sant at magandang dehado ang Believable sa 2nd Pick 5.

Ipinapatok ang Smokin Saturday habang makakalaban ang Viva Morena, Cabo De Negro, Ava Natalia at La Flute de Pan sa Race 6 na simula ng Pick 4 event.

Sa race 7, tatlong kabayo ang nakalalamang sa laban, ito’y ang Universe, River Mist at El Mundo. Nakalalamang ang Yes Kitty habang magsisilbing kalaban ang Misha at couple entry na Double Sunrise at Speak Easy sa Race 8.

Habang ipinapatok ang couple entry na Keyesspee at Wid Due Respect at magsisilbing kalaban ang Ahala, Hallelujah at Apo ni Rhea sa Race 9.

Tip ni Mang Ding: Race 1- MissHookNLadder (8) Facing Dixie (4) Race 2- My Jopay (5) Brandy Drinker (4) Race 3- Abakada (7) Halo Wander (6) Race 4-Peypaluc (5) Pilya (8)

Race 5- Gensan Special (5) Believable (7) Race 6-Smokin Saturday (5) Viva Morena (4) Race 7-Universe (1) El Mundo (9) Race 8- Misha (2) Speak Easy (5) Yes Kitty (9) Race 9- entry No.1, Ahala (2) Apo Ni Rhea (7)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page