top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Modus na laglag-panyo ng mga karnaper, buking!

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 11, 2019
1 min read

NAKATANGGAP ang inyong lingkod ng impormasyon mula sa mga nakausap nating parak na dalawang kalalakihan ang gumagala sa Kalakhang Maynila para magmatiyag sa mga naka-parked na motorsiklo, partikular na sa mga mall.

Ayon sa mga nakapanayam nating mga alagad ng batas, kung may laglag-barya raw ang mga hinayupak na suspek ay may laglag-panyo na rin daw ngayon ang mga animal na ito.

Ang modus, naglalakad at nagmamatiyag daw ang dalawang kalalakihang suspek na palinga-linga habang nag-uusap na kung pagmamasdan ay may hinahanap na kapag nakakita na nang mabibiktima ay maglalabas ng panyo ang isa na kunwari ay magpupunas ng mukha dahil kuno sa pawis, pero ang totoo ay ilalaglag nito sa tapat ng kursunadang motorsiklo na naka-park.

Magkukunwaring hindi nila alam na nalaglag ang panyo habang patuloy sa paglalakad, pero palatandaan na ito ang kanilang kakarnapin na kapag walang nakapansin sa masamang balak ng mga demonyong ito ay kanila itong babalikan para tangayin ang sasakyan.

Pinag-iingat at binibigyan-babala ang mga ka-BULGAR nating nagmamay-ari ng sasakyan na nakaparada, partikular na ang inyong motorsiklo na lagyan ninyo ng lock ang gulong nito para hindi matangay ng mga kawatan na ngayon ay kasalukuyang gumagala sa Kalakhang Maynila.

Maganda at sigurado tayong hindi ito makakarnap ng mga siraulong ito. Maging sigurista tayo dahil ito ang paraan para malabanan natin ang ganitong mga modus o pamemerhuwisyo.

Ikaw kaibigan, anong sey mo?

Walang maloloko kung walang magpapaloko!

Ligtas ang may alam!

Kaya ikaw, ako, tayo… mag-ingat!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page