top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Lalo na ngayong marami ang mabilis panghinaan ng loob... TIPS PARA MAGABAYAN NANG MAAYOS ANG MGA ANA

Donna Thea Topacio
Jun 11, 2019
1 min read

FOR sure, mayroon ta­yong mga beshy na ngayon lang nagkaroon ng anak na nag-aaral at dehins pa knows kung ano ang mga tamang hakbang para ma­gabayan sila. Kaya, alamin natin ang 5 tips para sa mga magulang na nangangapa pa pagda­ting sa pag-aaral ng kani­lang mga anak:

1. BE PA­TIENT. Siguro, alam na ninyo na sa pagkaka­roon ng pamilya at pagpapalaki ng mga anak, kina­kailangan talaga ng mahabang pa­sensiya, parti­ku­lar kapag may assign­ments ang in­yong anak kung saan imbes na gawin nila ito, eh, mas inuuna pa nila ang mag­laro. Kaloka!

2. DON’T UNDERESTI­MATE THEIR SKILLS. Kahit bata pa sila, si­­yem­pre, may dam­­­da­min din ang mga ‘yan, kaya kapag hindi sila perfect sa seat­work o bagsak sila, huwag kaagad silang pagalitan. ‘Ika nga, “don’t belittle me, teach me”.

3. ALWAYS GIVE PRAISE. Masarap sa pakiramdam kapag may pumupuri sa iyo, kaya kung bet ninyong ganahan ang inyong mga anak sa pag-aaral, make sure na paminsan-minsan ay pupurihin ninyo ang kanilang mga gawa. Okay?

4. BE A ROLE MODEL. May mga pagkakataong da­pat nating ikuwento sa ating mga anak ang mga naranasan natin noong nag-aaral pa tayo kung saan minsan, eh, bu­mabagsak tayo o kaya ay nag-e-excel sa klase.

5. KNOW THEIR STRENGTH AND WEAK­NESSES. Ang lahat ng bata ay may kakayahan at kahinaan, mainam kung aalamin ang kakayahan at kahinaan na mga anak nang sa gayun ay maintindihan natin sila kung bakit nahihirapan silang sagutin ang assignment o seatwork.

Oh, ayan, parents, ngayong alam na natin ang mga bagay kung paano magagabayan nang tama ang ating mga anak, gets n’yo na, ha? Iwasan ang pagiging mainitin ang ulo, copy?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page