DFA, todo-tanggol sa pagbebenta ng Chinese flag sa Luneta?! Tsk-tsk-tsk!

IMBES NA MAGALIT SA IBINEBENTANG MGA CHINESE FLAG, IPINAGTANGGOL PA NG DFA — Ilang araw bago i-celebrate ng mga Pinoy ang Independence Day bukas, June 12, 2019, may mga vendor na nagbebenta ng mga Chinese flag sa Luneta Park, pero imbes na punahin ito ng Department of Foreign Affairs (DFA) ay ipinagtanggol pa ito ni Sec. Teodoro “Teddyboy” Locsin, Jr. nang i-post niya sa social media na may nagbebenta rin naman daw ng U.S. flag sa selebrasyon ng Philippine-US Friendship Day.
Ngayon, dapat pa bang i-memorize kung sino ang nag-utos sa mga vendor na magbenta ng Chinese flag sa Luneta? Boom!
◘◘◘
PARANG SINABI NA RIN NI P-DUTERTE NA BAD ANG KATOLIKO AT GOOD ANG SEKTA NI QUIBOLOY—Sa radio program ni Pastor Apollo Quiboloy, sinabi ng pangulo na wala raw plano ang kanyang gobyerno na i-celebrate sa 2021 ang ika-500 taon ng Kristiyanismo sa Pilipinas.
Kulang na lang sabihin ni P-Duterte sa mga Kristiyano na talikuran na ang Katoliko at sumapi na sa “good” na sekta ng friend niyang si Quiboloy, buwisit!
◘◘◘
BAD IMBITAHAN SA IKA-500 ANIBERSARYO NG KRISTIYANISMO ANG PANGULO NA WALANG RESPETO SA DIYOS AT SA SIMBAHAN—Ayon sa CBCP, isi-celebrate raw nila ang ika-500 taon ng Kristiyanismo sa Pilipinas kahit hindi raw ito suportahan ni P-Duterte.
Dapat lang talaga na huwag imbitahan ng CBCP sa selebrasyong ito si P-Duterte kasi hindi magandang tingnan na maging bisita sa ika-500 anibersaryo ng Kristiyanismo ang pangulo na walang respeto sa Diyos at sa Simbahan, period!
◘◘◘
MABUTI HINDI ‘NANLABAN’ SI JOURNALIST MARGARITA VALLE—Pinalaya na ng PNP ang journalist na si Margarita Valle dahil mistaken identity lang daw ang pagkakaaresto nila rito sa Laguindingan Airport sa Misamis kasi hindi raw pala ito ang taong may kasong arson na dapat nilang dakpin.
Hay naku, buti na lang, hindi nabalitang “nanlaban” si Margarita kasi usung-uso pa naman sa panahon ngayon na ang mga naaarestong suspek ay “nanlalaban” at napapatay, boom!





Comments