“INGUSO ANG GAME FIXERS, ‘BIBIGWASAN’ KO!”-PACMAN
- BULGAR

- Jun 11, 2019
- 1 min read

MAKIKIPAGKAISA ang Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) sa ilang ekspertong grupo upang sawatain ang umano’y nangyayaring game fixing sa loob ng pinakamabilis na lumalagong regional amateur basketball league.
Walang iba kundi si founder at chief executive officer Senator Manny Pacquiao ang nangunguna para labanan ang mga nangyayaring anomalya. ”Gusto kong pangalagaan ang MPBL. Gusto kong ang tao, hindi niloloko. Gusto ko na ang game, laging competitive. Hindi ‘yung maraming hokus-pokus. Ayaw kong niloloko natin ‘yung sambayanang Pilipino. Wina-warningan ko lang, baka pagdating ng panahon, mawala na kayo na parang bula,” ani Pacquiao. Mayroon kasing mga hindi kumpirmadong ulat na nakaabot sa MPBL Commissioner’s Office hinggil sa diumano’y game fixing.
Ayon kay Senador Pacquiao, magbibigay siya ng gantimpala sa mga taong magpapakita ng pruweba na may nagaganap na game fixing o odds game na nakakaapekto sa kalalabasan ng laro. “May mga grupo na tayo na expert diyan para magsubaybay sa mga players na kahina-hinala, mga taong pumapasok outside the league. Bantayan natin sila. Magtulungan na lang tayo. Kapag may nalaman tayo na information, sumbong n’yo agad sa akin, ako na ang bahala roon,” dagdag ni Senator Pacquiao. (MC)





Comments