WARRIORS BABALIIN ANG KASAYSAYAN, ‘DI SUMUSUKO


NANANALIG pa rin ang masigasig na Golden State Warriors team na mababaligtad nila ang 3-1 deficit kontra Toronto Raptors at burahin ang ala-ala na magiging unang team na nabigo sa korona ng NBA matapos ang nakaraang dalawang kampeonato.
Ang ala-ala ni LeBron James na namuno sa Cleveland Cavaliers na nakarekober mula sa 3-1 deficit at nasungkit pa ang kampeonato noong 2016, ay nananatiling sariwa sa kanilang isipan at naniniwala sila na ang kanilang layunin na makuha ang ikatlong titulo ay hindi pa tapos.
“We just got to win one game and then build on that,” saad ni Warriors forward Draymond Green sa reporters makaraan ang 105-92 Game 4 na pagkatalo sa Oakland.
“But I’ve been on the wrong side of 3-1 before, so why not make our own history.”
Unang nagawa ng Warriors na makabaligtad ng kapalaran mula sa 3-1 deficit noong 2016 Western Conference Finals laban sa Oklahoma City Thunder, kaya alam nila kung paano reresbakan ang kalaban.
Ang Thunder team noon ay pinamumunuan ni Kevin Durant, na kalaunan ay napunta sa Warriors ng sumunod na season at nasungkit ang back-to-back Finals MVP awards sa team noong 2017 at 2018.
Nagpapagaling pa rin hanggang ngayon si Durant dahil sa ‘calf strain injury’ mula pa noong Mayo 8 at hindi pa maliwanag kung kaya pa niyang maglaro sa Game 5 sa Toronto ngayong araw.
Handang-handa raw ang Warriors na rumesbak, wala man o naroon ang kanilang sharpshooting forward. “It’s not over,” ayon sa masigasig na si Stephen Curry. “It’s not a good feeling right now, obviously, but we have been on both sides of it. And for us, it’s an opportunity for us to just flip this whole series on its head.” (ATD/MC)





Comments