top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

VILLANUEVA AT SENADOR, MAY IBUBUGA SA PENANG CHESS

Eddie M. Paez, Jr.
Jun 10, 2019
1 min read

HINABLOT ng mga Pinoy woodpushers na sina FIDE Master Nelson Villanueva at International Master Emmanuel Senador ang unang dalawang puwesto ng “by-invitation only” na pangalawang edisyon ng Mini-Penang Chess Open 2019 sa Bayan Lepas, Penang, Malaysia. Kapwa nagsumite sina Villanueva at Senador ng kabuuang pitong puntos mula sa pinagsamang anim na panalo, dalawang tabla at isang talo pagkatapos ng siyam na salang sa board.

Nangulekta ng mga panalo si Villanueva, 14th seed lang at may rating na 2103, laban kina Pin Xie Loo (Malaysia), Peter Frost (Australia), IM Ronny Gunawan (Indonesia), Jianwen Wong (Malaysia), kapwa Pinoy na si Roberto Suello Jr. at Wenxiang Li (China). Sa hatian ng puntos nauwi ang duwelo niya kontra kina Malaysians Eshwant Singh at Jun Fung Isaac Ng.

Sa kabilang dako, nahugutan ng puntos ni Senador, 5th seed at may rating na 2297, sina Yi Herng Joel Ong (Singapore), Hui Lam Teh (Malaysia), Xuan Rui Ethan Poh (Singapore), Zideng Wang (China), IM Dede Lioe (Indonesia) at Tao Pang (China). Tabla ang kinalabasan ng pakikipagharap niya kina Malaysian Ern Jie Anderson Ang at isa pang Pinoy entry na si FM Daniel Causo.

Sa dulo, dahil sa mas impresibong tiebreak points, itinanghal si Villanueva, 39-anyos na kampeon at bridesmaid naman ang 59-anyos na si Senador sa kompetisyong inorganisa ng Persatuan Catur Pulau Pinang: Penang Chess Association (PCA).

Ang Malaysian woodpusher na si Wong ang kumuha ng huling upuan sa podium dahil sa rekord nitong 6.5 puntos. Tinalo sa tiebreak sina Causo (4th) at ang topseed mula sa China na si Pang (5th). Halagang Malaysian Ringgit 5,000 ang kabuuang ipinagkaloob sa unang tatlong finishers ng paligsahan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page