UN, namumurong makatikim na naman ng mura mula kay P-Digong, hmmm...

COA, HINDI NANGGIGIPIT, GINAGAMPANAN LANG ANG KANILANG MANDATO—Sinabihan ni P-Duterte ang Commission on Audit (COA) na huwag daw gipitin si Task Force Marawi head Sec. Eduardo del Rosario tungkol sa kinuha nitong P5 million Marawi Rehab Fund na ginamit sa Hajj pilgrimage sa Mecca, Saudi Arabia.
P-Duterte, hindi panggigipit ang ginagawa ng COA kundi ginagampanan lang nila ang kanilang mandato na bantayan ang pera ng bayan kung nagagamit ito sa wasto o hindi, period!
◘◘◘
U.N., BAKA MAKATIKIM NA NAMAN NG MURA KAY P-DUTERTE—Nais ng United Nations-Human Rights Council na ituloy ang imbestigasyon sa extrajudicial killings (EJK) na nagaganap sa Pilipinas upang ang makukuha nilang datos dito ay magamit sa International Criminal Court (ICC).
Naku, dahil d’yan asahan nang makatitikim na naman ng mura kay P-Duterte ang UN, abangan!
◘◘◘
KUNG HINDI PA NABULGAR NA P320-K MONTHLY SAHOD NI SEC. BRIONES, HINDI PA NIYA SUSUPORTAHAN DAGDAG-SUWELDO NG MGA GURO—Suportado na rin ni DepEd Sec. Leonor Briones na magkaroon ng dagdag-suweldo ang mga guro sa mga pampublikong paaralan.
Kung hindi pa nabatikos si Sec. Briones sa nag-viral sa social media na higit P320K ang natatanggap niyang buwanang sahod, malamang, dedma pa rin siya sa hirit na dagdag-suweldo ng mga titser, boom!
◘◘◘
INTELLIGENCE GROUP SA BUREAU OF CUSTOMS, BUWAGIN NA—Kabilang ang tanggapan ng Bureau of Customs - Intelligence Group (IG) sa ibinulgar ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson na patuloy daw na tumatanggap ng tara sa mga smuggler sa Adwana.
Dapat yata, buwagin at palitan na ang pangalang Intelligence Group sa BOC kasi baka akala ng mga “buwayang” nakatalaga r’yan porke intelihensiya, oks lang makatanggap nang makatanggap ng tara sa mga manraraket sa BOC, period!





Comments