Tumangging maghalikan | MAG-GF GINULPI NG 4
SUGATAN ang dalawang babaeng magkasintahan matapos atakihin ng kalalakihan sa London.
Batay sa impormasyon, naganap ang insidente sa top deck ng London night bus.
Ayon sa mga biktimang sina Melanie Geymont, 28, at Chris, 29, inatake sila ng mga suspek nang tumanggi ang mga ito sa utos nilang maghalikan.
Arestado ang apat na lalaki na pawang mga nasa edad 15 hangang 18.
Batay sa tala ng Met Police’s crime dashboard, mula noong 2014, tumaas ang bilang ng mga naiulat na homophobic hate crimes sa bansa.
Naninindigan ang mga biktima na hindi sila natatakot na ibunyag ang kanilang relasyon.





Comments