Shoutout sa mga kumakayod para makapagtapos... 5 SITWASYON NG WORKING STUDENT
- Jersey Sanchez
- Jun 10, 2019
- 2 min read

Another school year, another challenges para sa mga estudyante, partikular sa mga nagtatrabaho. Una sa lahat, saludo kami sa inyo dahil sa kaliwa’t kanang responsibilidad sa bahay, paaralan at trabaho, naniniwala kayong makapagtatapos kayo ng pag-aaral sa kabila ng paghihirap na dinaranas ninyo. Gayunman, narito ang ilang pangkaraniwang sitwasyon sa buhay ng working students:
1. YOU GO TO BED TIRED. Ang pagbabalanse sa mga gawain sa trabaho at eskuwela ay nakapapagod. ‘Yung tipong gigising ka nang maaga para hindi ma-late sa trabaho o klase at pagkatapos ng mahabang araw, minsan, pakiramdam mo ay kulang ang 24 hours para matapos ang mga gawain mo. Dahil dito, walang araw na hindi ka matutulog nang pagod at paggising mo, ganu’n ulit ang mga gagawin mo.
2. YOU CAN’T HANGOUT WITH YOUR FRIENDS. Gasgas na ‘yung linyang “hindi ako puwede, may trabaho ako”, kapag nagkakayayaan kayo ng mga kaibigan mo. Ito ay dahil nauubos ang oras mo sa trabaho at pag-aaral kaya kung may extra time ka, mas gugustuhin mong magpahinga kaysa gumala. Ito rin ang dahilan kung bakit lumiliit ang circle of friends mo, pero okay lang ‘yun dahil ang totoong kaibigan, mauunawaan ka at ang priorities mo. Okie?
3. YOU SUFFER FROM SLEEP DEPRIVATION. Bagama’t, maraming mag-aaral ang dumaranas ng sleep deprivation o kakulangan sa tulog, gayundin ang working students, kung minsan, eh, mas malala pa. Gayunman, hindi masamang tutukan ang trabaho o school works, pero, kung may panahon para magpahinga, gamitin ito nang tama upang masulit ang bawat oras.
4. OVERTIME OVER EXTRACURRICULAR ACTIVITIES. Para sa iyo, mas mabuting maglaan ka ng oras para sa overtime kaysa sumali sa extracurricular activities dahil mas importante ang extra income kaysa sa extra grades. Agree? Hindi dahil kill- joy (KJ) ka kundi dahil malaki ang maitutulong ng overtime mo sa iba mo pang pangangailangan.
5. HOMEWORKS AND PROJECTS ARE OVERWHELMING. Hindi natin maitatangging nakapu-frustrate ang magkaroon ng tambak na homework at projects, gayundin ang mga bayarin. Hu-hu-hu! Ang mga estudyante, partikular ang mga nagtatrabaho ay siguradong nape-pressure kapag malapit na ang exam dahil ibig sabihin, bayaran na ng tuition fee.
Mga besh, kaunting tiis pa dahil ‘ika nga nila, kapag may tiyaga, may nilaga. Napakahirap mang pagsabay-sabayin ng mga responsibilidad sa bahay, paaralan at trabaho, siguradong worth it ang lahat ng sakripisyo ninyo ‘pag nakapagtapos na kayo.
Gets mo?





Comments