top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

PODIUM FINISH NI WATANABE DUDUPLIKAHIN SA SEA GAMES?

  • Clyde Mariano
  • Jun 10, 2019
  • 1 min read

DAHIL sa natatanging galing at malawak na karanasan na nakamit sa iba’t-ibang torneo kasama ang tatlong World Grandslam sa Judo na ginawa sa France, Austria at China kung saan nagka-medalya siya, inaasahang muling mananalo si Filipino-Japanese Kiyomi Watanabe tulad ng ginawa sa tatlong Southeast Asian Games na ginanap sa Myanmar, Singapore at Malaysia.

Dinomina ni Watanabe ang 63kg. division sa SEA Games mula 2013 hanggang 2017 matapos manalo ng pilak sa una niyang paglahok noong 2011 sa Indonesia na nanalo ng pilak.

Tubong Mandaue, Cebu ang kanyang ina na si Irene Sarausap.

Inaasahang darating si Yuta Yazaki sa bansa para gabayan si Watanabe tulad ng ginawa niya sa tatlong nagdaang SEA Games at Asian Games sa Indonesia kung saan nanalo siya ng pilak at natalo sa Japanese na kalaban.

Kumpiyansa si Philippine Amateur Judo Association (PAJA) president Dave Carter na muling magtatagumpay ang battle-tested judoka dahil sa natatanging galing na minana sa kanyang blackbelter na ama, si Shigeru.

Hindi lang SEA Games at Asian Games, puntirya ni Watanabe na makasali sa 2022 Tokyo Olympic Games.

“Watanabe has to earn many points and figure prominently in the qualifying tournaments,” sambit ni Carter na isa ring accredited international judo judge.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page