top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

PINAS VS. SOKOR SA 2021 FIBA CUP

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 10, 2019
2 min read

TIYAK na ang maagang pagtatagpo ng Pilipinas at ng South Korea sa darating na 2021 FIBA Asia Cup Qualifiers matapos nilang magkasama sa iisang grupo, base sa resulta ng isinagawang draw noong Sabado sa Bangalore, India.

Parehas na nabunot ang Gilas Pilipinas at ang South Korea sa Group A kasama ng Indonesia at Thailand matapos ang idinaos na draw ceremony.

Ang dating national team captain na si Jimmy Alapag, na dumalo sa okasyon ang mismong nakabunot sa Pilipinas sa unang draw.

Batay sa bagong format ng FIBA Asia Cup qualifying round, kahalintulad na ito sa FIBA World Cup kung saan ang 24 na teams ay hahatiin sa anim at maglalaro ng home-and-away simula Nobyembre 2019, Pebrero 2020 at Nobyembre 2020.

Ang top two teams sa bawat grupo ay diretsong uusad sa 2021 Fiba Asia Cup habang ang apat pang koponan ay manggagaling sa quarterfinal tournament na gaganapin sa Pebrero 2021 sa pagitan ng mga tumapos na third placers sa anim na grupo.

Nangunguna naman ang China, ang third-ranked team sa Asia sa Group B kasama ang Japan, Chinese-Taipei at Malaysia.

Kabilang naman sa mga nabunot sa Group C ang Asian No.1 Australia, New Zealand, Guam at Hong Kong. Nagkasa­ma-sama naman sa Group D ang Lebanon, India, Iraq at Bahrain.

Humanay naman sa Group E ang second ranked team sa Asia na Iran kasama ng Qatar, Kingdom of Saudi Arabia at Syria, habang nabunot para sa Group F ang Jordan, Kazakhstan, Palestine at Sri Lanka.

Hindi pa nagpapahayag ng kanilang plano ang Samahang Basketbol ng Pilipinas tungkol sa FIBA Asia Cup Qualifiers dahil naka-focus sila ngayon sa darating na 2019 Fiba Basketball World Cup na gaganapin sa Setyembre sa China. (VA)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page