top of page
Pokwang.jpg

Kahalagahan ng pagtanggap sa mga aral, salita at karanasan ni HesuKristo

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 10, 2019
3 min read

BAGO umakyat ang Panginoong HesuKristo, tiniyak Niya sa Kan­yang nangungulilang mga disipulo na hindi Niya iiwanang nag-iisa ang mga ito. “Tandaan ninyo, susuguin Ko sa inyo ang ipinangako ng aking Ama kaya huwag kayong aalis sa lungsod hanggang hindi kayo napagka­kalooban ng kapang­ya­rihan mula sa ita­as.” (Lucas 24:49 ff)

Sa kabila ng ma­lung­kot na mensahe ng Kanyang pag-alis, sa halip na malungkot ang kanyang mga alagad, sila ay napuno ng galak, “Siya ay sinamba nila, pagkatapos, sila ay nagbalik sa Jerusalem, taglay ang mala­king kagalakan. Pala­gi sila sa templo at doon ay nagpupuri sa Diyos.” Hindi pa duma­rating ang sugo ng espi­ritu ni HesuKristo ngu­nit, tila napuspos na sila nito, bakit? Dahil tinang­gap nila ang mga aral, salita at karanasan na maaaring maibigay sa kanila ng Panginoon.

Kahapon ay araw ng Pentekostes. Inaalala natin ang pinakaunang Pentekostes nang ipina­dala at ipinababa ni HesuKristo at Diyos Ama ang Espiritu Santo sa hugis ng dilang apoy sa mga apostol at nang tanggapin nila ang Espi­ritu Santo, sila ay napus­pos ng liwanag ng karu­nu­ngan ng Diyos, lakas at katapangan, rumara­ga­sang tubig ng pama­mahayag ng katotoha­nan, matinding init ng kanyang pagmamahal at malumanay na himig ng Kanyang awa. Hindi sila basta mga alagad o tagasunod lamang ni HesuKristo, sila ay “Alter Kristus” o isa pang Kristo sa mundo sa pamamagitan ng kani­lang salita at gawa.

Tahimik na dumaan noong ika-6 ng Hunyo ang ika-9 na anibersaryo ng Beatipikasyon ni Fr. Jerzy Popie³uszko. Ti­na­wag siyang “tagapag­balita ng katotohanan” (messenger of truth) ng kanyang mga kababayan.

Nagsimula ang kan­yang kakaibang buhay bilang pari noong Agos­to 1980 nang nanghingi ng paring magmimisa ang pabrika ng bakal sa Zoliborz, Poland. Ti­nang­gap ito ni Fr. Jerzy hanggang sa ipadala siya ni Cardinal Stefan Wyszynski sa pabrika ng bakal sa Gdansk upang mag­misa. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na naka­pasok ang paring Kato­li­ko sa loob ng pinakamalaking pabrika ng bakal sa ilalim ng Partido-Komunista ng Poland. Mula noon, tuluy-tuloy nang narinig ang tinig ni Fr. Jerzy hanggang sa sinimulan nito ang kanyang mga misa para sa Amang Bayan (Masses for the Father Land). “Huwag mapoot, sa halip, la­ging magsalita at kumilos ayon sa pag-ibig. Huwag matakot at manahimik. Laging ipa­hayag ang katoto­ha­nan. Mayroon ta­yong mga tungkulin, dapat nating gawin ang mga ito at walang makapipigil sa atin sa pagganap natin ng ating tungkulin. Hu­wag kayong matakot at manahimik dahil kayo ay mga mamamayan ng Polonya. Hindi kayo mga alipin!”

Hindi tumigil si Fr. Jerzy at narinig ang kanyang tinig ng mama­mayang uhaw sa kato­tohanan, katotohanang nagbibigay-lakas at buhay. Sinikap niyang ipahayag ang katoto­hanan sa gitna ng pananakot at panggigipit ng pamahalaan. Maaa­ring masabi na sa pama­magitan ng matapang, may paninindigan at walang sawang pamama­hayag sa katotohanan ni Fr. Jerzy, naranasan ng kanyang mga kababayan ang Bagong Pentekos­tes kaya hindi tumigil si Fr. Jerzy. Nagsimulang dumating ang mga banta, naging kapansin-pansin ang kahina-hinalang mga taong nagmamanman hanggang sa nagtangka nang dukutin si Fr. Jerzy. Bagama’t, hindi nagtagumpay sa mga unang tangka, noong ika-19 ng Oktubre 1980, dinukot si Fr. Jerzy ng dalawang pulis at dinala sa mapunong lugar kung saan ito pinaghahampas ng kahoy na may balot ng tela. Tumakbo si Fr. Jerzy ngunit, inabutan ito at inilagay sa trunk ng kotse. Itinakbo siyang muli sa isa pang lugar, pinaghahampas at buhay na itinapon sa dam sa Vistula River.

Nabuhayan ang mga nanlulumo at natatakot na mamamayan ng Polonya nang dumating ang Espiritu Santo sa kanila sa katauhan ng batang pari na walang sawang ipinahayag ang pag-ibig, katotohanan, katarungan at kapaya­paan.

Kailangan sa mara­ming bahagi ng mundo ang Bagong Pentekos­tes, kailangang-kaila­ngan natin ito sa mahal nating bansa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page