Iba raw kasi ang trip ng 38-anyos na sikat na aktor… KIM RAE WON, IBINULGAR ANG DAHILAN KAYA 'DI
- Lee Vin Nia
- Jun 10, 2019
- 1 min read

NASA late 30s na ang sikat at magaling na aktor na si Kim Rae Won pero hanggang ngayon ay wala pa rin siyang asawa’t wala ring napapabalitang girlfriend.
In his latest interview para sa promo ng pelikula niyang Long Live The King, natanong ang aktor about settling down at sinagot naman niya ito.
“I have to get married, but movies and fishing are taking up all of my life,” sabi ng 38-year-old actor.
“Fishing takes up more of my life than I thought. It’s a big problem. I think I’m going to have to reduce it by half in order to get married. If I go fishing, I’m dangling from a cliff all day.”
Nang matanong naman tungkol sa kanyang ideal girl, sagot niya, “A person who has a broad mind and lots of love. Someone who has a generous mind and can share it with many people. Although I’m gonna have to go more into details about that.”
In his past interviews ay naikuwento na ng aktor na meron siyang naging girlfriend before pero nagkalabuan sila habang ginagawa niya ang pelikulang Gangnam Blues with Lee Min Ho in 2015.
Since then ay wala nang napabalitang girlfriend ulit si Kim Rae Won at sa mga interviews ay lagi niyang sinasabing acting ang kanyang priority.
Si Kim Rae Won ay isa sa mga sikat at magagaling na aktor sa South Korea. Napanood na siya sa maraming K-dramas kabilang na ang Attic Cat, Love Story in Harvard at itong huli ay ang Doctors na ipinalabas pa rito sa atin.





Comments