top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Hirit sa mga titser, assignment at project huwag idaan sa Facebook

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 10, 2019
1 min read

Hindi natin maitatangging malaki ang naitutulong ng makabagong teknolohiya sa araw-araw nating pamu­muhay.

Kaya naman marami ang gumagamit nito, partikular sa social media dahil sa convenience na naibibigay nito.

Kung minsan pa, ginagamit ito bilang basehan ng grado ng mga estudyante at para magpakalat ng mga impormasyon sa paaralan.

Pero, tila hindi aprub ang ilang magulang dito dahil sa halip na malimitahan ang paggamit ni bagets ng social media, ikinakatwiran nilang dito tinitingnan ang chat ng kanilang guro kung sila ay may proyekto o takdang-aralin.

Kaugnay nito, maglalabas ang Department of Information and Communications Technology (DICT) ng memorandum circular para itigil ng mga eskuwelahan, partikular ang mga guro sa paggamit ng social media para magbigay ng mga proyekto at asignatura sa mga mag-aaral.

Payo ng ahensiya, kung may ipaaalam na impormasyon sa mga estudyante, dapat gumamit ng tamang platform tulad ng email at hindi sa social media tulad ng Facebook at Messenger.

Isasapinal ang naturang polisiya ngayong taon at magkakaroon ng konsultasyon hinggil sa isyu. Pagdating sa pagpapaalam ng im­pormasyon, mas mabuti pa ring ipaalam ito nang personal sa mga mag-aaral nang maipaliwanag ng guro ang dapat gawin upang maiwasan ang mga hindi pagkakaintin­dihan sa titser at mag-aaral.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page