FOREIGN DER VALK, CHAMP, PINOY SALVADOR, 4TH SA ICTSI

HINDI nasayang ang mahabang paglalakbay ni Guido Van der Valk sa Cebu at ang apat na araw niyang paglalaro sa init ng araw at malakas na hangin dahil nagkaroon ng magandang resulta ang laban kung saan ang 39-anyos na taga-Netherlands ay nanalo ng P550,000 premyo sa ICTSI Club Filipino de Cebu Invitational sa Danao City.
Lumikom si Van der Valk ng 72 holes 274 at tinalo by two shots sina Pinoy Michael Bibat at David Gleeson ng Australia na taga-Brisbane na parehong nagtala 276 matapos humataw ng final round 69 at 68.
“It always war on the golf course. This time I won,” sabi ni Van der Valk na permanenteng naninirahan sa Pilipinas kasama ang kanyang Pinay na asawa na taga-Imus, Cavite. “I took control of the competition. I played relatively good and my putting was in place. The only thing that bothered me is the humid condition and gusty winds,” wika ng balbasing Dutch ng Lelystad.
Mahigpit na hinawakan ni Van der Valk ang pamumuno hanggang sa matapos at angkinin ang karangalan na bigong maipagtanggol ni Jhonnel Ababa na tumapos na 283 kasosyo si Mars Pucay.
Ang panalo ay pangalawa ni Van der Valk sa walong taon na paglalaro sa Pilipinas at unang nanalo sa Eagleridge ng nakaraang taon. Tumapos ang kababayan ni President Rodrigo Duterte sa Davao na si Elmer Salvador bilang pang-apat sa kabuang 277 kasama ang final round 70 at sinundan ni Jay Bayron na isa ring taga-Davao na may kartadang 279.





Comments