top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Dapat linawin ang intensiyon ng napakaraming barko sa Pag-asa Island, plis lang!

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 10, 2019
2 min read

KINUKUMPIRMA ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kung tunay na umalis ang 100 barko ng China sa paligid ng Pag-asa Island. Ipinahayag ni Philippine Special Envoy to China Ramon Tulfo na ito raw ang unang kilos ng China para makuha ang tiwala at kumpiyansa ng bansa. Sinabihan daw siya ng Chinese emissary na mawawala rin ang mga barkong pangisda sa tamang panahon.

Pero, ayon sa AFP, kung nababawasan man ang mga barko sa paligid ng Pag-asa Island, tila lumilipat naman sa ibang isla na kontrolado rin ng Pilipinas. Lahat ito maki­kita kapag lumipat na sa ibang lugar. Sana, hindi itaboy ang anumang eroplano ng Pilipinas para makita na umalis na ang mga barko. Ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte, tinanong daw niya si Chinese President Xi Jinping kung bakit maraming barko ang China sa paligid ng isla kahit wala naman daw ang mga Amerikano roon. Sayang lang daw ang kanilang gasolina at mas okay kung ibigay na lang daw sa atin. Bakit ba nasa paligid ang napa­karaming barko? Ano ang intensiyon ng China?

◘◘◘

Hindi binanatan ni Erwin Tulfo si DSWD Sec. Rolando Bautista para sa mga kondisyong nakatakda para tanggapin niya ang paghingi ng tawad, si Ben Tulfo naman ang bumanat kay Sec. Bautista. Daig pa raw nito si Padre Damaso at tila minura pa ang “kapatiran”. Hindi malinaw kung anong kapatiran ang tinutukoy pero, malamang, ito ay ang mga sundalo. Ga­yundin, hindi pino ang mga binitawan nitong salita, magkapatid nga sila.

Samantala, nagsalita naman si dating DOJ Sec. Vitaliano Aguirre II na hindi raw natuto ang magkakapatid na Tulfo. Matatandaang, may alitan sina Aguirre at Ramon Tulfo, dahil sa mga isinulat nito sa pahayagan. Ayon kay ex-DOJ Sec. Aguirre, humingi ng tawad si Erwin dahil hindi nito inakala ang mati­tinding reaksiyon, lalo na mula sa pulis at militar. Kung hindi raw sila mapapatawan ng anu­mang parusa o sisante, babalik lang daw sila sa kanilang aroganteng kalakaran kung saan may paniniwala silang may karapatan silang gawin ang lahat ng kanilang gustuhin. Mukhang hindi pa tapos ang dramang ito, may reaksiyon naman kaya ang Palasyo? Alam nating matitinding taga­suporta ni Pangulong Duterte ang Pamilya Tulfo, kaya ba walang takot ang mga ito kahit kanino, kahit sa “ka­patiran”?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page