Buy-bust sa fastfood chain, misis aretado

TIMBOG ang isang ginang sa buy-bust operation sa Bgy. Panapaan V, Bacoor, Cavite kamakalawa.
Kinilala ang suspek na si Amsira Minal, 41, residente ng Bgy. Panapaan V.
Sa nakalap na ulat mula kay Cavite PIB/DET Police Captain Christel Carlo Villanueva, alas- 11:00 ng gabi nang isagawa ang buy-bust operation laban sa suspek na isinagawa sa loob ng isang fastfood chain.
Kasama ang ilang miyembro ng PDEA, isa sa Bacoor PNP ang tumayong buyer at nakipagtransaksiyon at umiskor ng shabu na halagang P10,000.
Sa loob ng nasabing fastfood chain naganap ang bilihan at nang magpositibo ay dito na pinalibutan ang suspek at dinakma.
Nakuhanan ito ng mahigt 50 gramo ng shabu na aabot sa P400,000 at drug money.





Comments