Binata nalunod sa creek

DEDO ang lasing na lalaki matapos malunod sa creek, kamakalawa ng gabi sa Tondo, Manila.
Wala nang buhay nang matagpuan si Ronald Arpon, binata.
Batay sa imbestigasyon ni PSgt. Roderick Magpale, alas-8:00 ng gabi nang mangyari ang insidente sa naturang lugar.
Posibleng naglublob ang biktima na nakaramdam ng init ng panahon pero, dahil sa kalasingan kaya ito nalunod.
Patuloy namang inaalam ng pulisya kung may foul play sa pagkamatay ng biktima. Dinala ang bangkay sa Archangel Funeral Parlor para sa awtopsiya.





Comments