Aktor, kahit 90-anyos na… EDDIE, MAY SERYE NA, GUMAGAWA PA NG MOVIE

Nitz Miralles / BIDA

SAMANTALA, ang daming nagmamahal kay Eddie Garcia at kahit wala siyang show sa ABS-CBN, kabilang ang mga Kapamilya stars na nagdarasal sa kanyang mabilis na paggaling.
Si Sharon Cuneta, nagpahayag na ‘wag hayaang mawala ang living legend dahil ‘pag nangyari ‘yun, “It will be the end of an era in all of showbusiness.”
Post ni Vice Ganda: “Lord God we pray for Tito Eddie Garcia’s wellness and safety. He will be healed. We claim in Jesus’s name, Amen.”
Si Gabbi Garcia na kasama ni Eddie sa Rosang Agimat, kahit nasa China pa yata para sa Maybelline event, nag-post ng photo nila ng veteran actor na kuha sa storycon at ang sabi, “Let’s all pray for Tito Eddie Garcia’s fast recovery.”
Nagpaabot din ng dasal sina Janno Gibbs, Alex Gonzaga at Meg Imperial na na-bash pa dahil ginamit ang kumalat na litrato ni Eddie habang buhat-buhat. Pero, marami na ang nag-post ng nasabing litrato sa socmed, kaya absuwelto na siguro si Meg.
Nalaman namin na bukod sa Rosang Agimat ng GMA-7, gumagawa rin ng pelikula sa Viva Films si Eddie kasama sina Janno, Dennis Padilla at Andrew E. na ang title ay Sanggano, Sanggago, Sanggwapo. Hindi lang kami tiyak kung tapos na ang shooting ng nasabing pelikula.





Comments